"EARLY BEGINNINGS, EARLY GOODBYE" A Written by Author Jlazy (J.I.)

 

“EARLY BEGINNINGS, EARLY GOODBYE”

Author: Jlazy (J.I.)

I always wondered, ano nga ba ang konsepto ng pag-ibig? Kapag ba natagpuan mo ’to, siya na ba? Sigurado ka na? Hindi rin naman natin masasabi, dahil una sa lahat, hindi natin alam kung ano ang ibabato at ibibigay sa atin ng tadhana. Pwede nating sabihing “posible,” pero may “siguro” din.

Dati, kapag sumugal ako o tumaya ako sa isang tao para sa pag-ibig, kapag nangako ka—’yon na ’yon. Pero hindi pala. Depende pa rin pala. Pero hayaan n’yong magkwento ako.

 

“What we find too early, time often takes back too soon.”
— Aurelius Varro (Philosopher)

“He didn’t know if he could return, but I still keep waiting, because love can survive the longest sunset.”
— Author Jlazy (J.I.)

 

Chapter 1

Huling Hinga, Unang Tibok

 

I’m Drea. My dad had hypertrophic cardiomyopathy (HCM), dahilan kung bakit kailangan niyang mawala sa amin nang maaga ni Mama. He was so very brave ’cause he was able to fight pa rin against that illness. Para sa’kin, siya na yata yung pinakamatapang na tao. He is my hero — mas hero pa siya sa mga superhero ninyo.

 

Pero iba pa rin talaga kapag nagplano si Lord.

 

Two years after mawala si Papa, 18 years old nako that time, naramdaman ko yung mga sintomas na nakita kay Papa noon. Nagpa-checkup kami ni Mama, and we found out that I was diagnosed with hypertrophic cardiomyopathy a year ago.

 

“Teka Doc… may sakit yung anak ko?” tanong ni Mama sa doctor ko.

“Yes, and I’m sorry to tell you this,” tugon ng doctor ko kay Mama.

“Ang lakas-lakas ni Drea, Doc…” naiiyak na sabi ni Mama habang nakahawak ang kamay niya sa balikat ko.

“Ang HCM ay namamana. May alam ka bang may HCM tulad ng anak mo?”

“Yung asawa ko, Doc… pero namatay na siya dahil sa sakit na ’yon,” sagot ni Mama.

“Na siyang posibleng naging rason kung bakit nagkaroon ng ganitong sakit ang anak mo. Excuse me, misis, pero may mga pasyente pa ako,” huling sabi ni Doc bago siya umalis.

I was very sad because I wasn’t sure if I would survive. Makakaya ko kaya? I’m not as strong as Dad to overcome all of this. Parang gusto ko nang mawala at talikuran ang Diyos kahit naging tapat naman ako sa Kanya. May mga tanong ako… bakit kailangan ako? Why do I have to suffer?

“Nak, gusto mo… bago ka matulog?” tanong ni Mama sa’kin.

“Ah… wala, Ma. Wala po,” sagot ko.

Dumeretso ako kay Mama at umiyak.

“Mama… ngayon lang ako iiyak sa harap mo,” sabi ko sa kanya. “Kakayanin ko kaya? Gaya ni Papa?” tanong ko ulit.

“Nak, makinig ka kay Mama, okay?” sabi niya habang hinahawakan ang pisngi ko at pinupunasan ang luhang dumadaloy sa mga mata ko.
“Kakayanin mo — para sa sarili mo at para sa’kin.”

At niyakap niya ako habang umiiyak rin siya.

 

Lalaban din ako para kay Mama. Bukod doon, gusto ko ring mabuhay—magkaroon ng sariling pamilya.
But it seems like God prevented me from doing those things.
Kung talagang mahal Niya ako, bakit Niya ako hinayaang magka-ganito?

 

3 years after

21 years old na ako ngayon. I spent three years fighting the disease that God gave me, and three years losing hope that my life would have a purpose. Nasira lahat dahil sa sakit na meron ako.

Pero… kamusta na nga ba si Mama?

Namatay na siya. Mag-iisang taon na rin—20 years old ako noon.
That’s why I don’t know if my life has any purpose, because Mom and Dad are gone.
Ako na lang. Mag-isa na lang ako.

Kung anong kinamatay ni Mama? Hypertension dahil sa pagod kaya naiisip kong kasalanan ko lahat ng ito.

Sa ngayon, si Tita ang nag-aalaga sa’kin—kapatid ni Papa.
Kasi kung sa side ni Mama ako magpapaalaga, baka imbes na alagaan ako… baka gawin pa akong katulong.
Kaya sa side na lang ni Papa ako nagpaalaga.

At noong nawala si Mama, kusa nang sinabi ng kapatid ni Papa na siya na ang mag-aalaga sa’kin,
since wala naman siyang asawa at anak.

 

Nasa kwarto lang ako, nagmumukmok. Para akong bilanggo, parang may tinataguan lagi.
But that’s the only way to escape the hard things that happened.
Mamamatay rin naman ako, eh.

/ knock at the door*


tok!, tok!, tok!

 

Binuksan ni Tita ang pinto ng kwarto. Nakangiting pumasok si Tita at may dala siyang pagkain para sa’kin. Sabay sabi:

“Hello, ija. Good morning. Gutom ka na ba?”
Nakangiti siyang bumati at inaabot sa’kin ang pagkain.
“May niluto akong pagkain para sa’yo, oh,” dagdag pa niya habang lumalapit sa’kin.

Ngumiti ako ng kaunti at sinabing, “Salamat po, Tita.”

Ngumiti ulit siya at umupo sa kama ko.
Sabay tanong, “Kamusta ka naman, ija? Okay ka lang ba?”

Sumagot ako at nagtanong, “Tita… nahihirapan ka ba sa’kin? Bakit ganito yung kapalaran na binigay sa’kin ng Diyos? Naging mabuting anak naman ako, Tita…”

Tiningnan niya ako, sabay hinaplos ang buhok ko at sinabing:

“Wag mo sabihin ‘yan, Drea. Kung nahihirapan ako sa’yo, hindi kita dadalhin dito at aalagaan.
At kung bakit mo tinatanong kung bakit ganyan ang kapalaran na binigay sa’yo ng Diyos, anak…
’Yun ay dahil may mas magandang plano Siya para sa mama at papa mo — maging para sa’yo na rin.”

Mahaba at mahinahon ang sagot ni Tita habang patuloy niyang hinahaplos ang buhok ko.

“Pero… mamamatay rin naman ako, Tita…”
Halos maiyak ko nang sabi.

“Kung ’yun ang plano ng Diyos sa’yo, anak… wala tayong magagawa.
Pero habang lumalaban at nagpapatuloy ka sa buhay mo, ija… hayaan mong alagaan kita, gaya ng pinangako ko sa mama mo. At alang-alang sa papa mo na kapatid ko.”

Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong,
“Laban tayo, ija. Laban tayo, anak.”

Niyakap ko siya pabalik at sinabi,
“Susubukan kong humanap ulit ng bagong rason para magpatuloy, Tita… Salamat, Tita.”

 

Nung mga araw na ’yon, nabuhayan ako ng lakas ng loob.
Weeks after mangyari yung pag-open ko kay Tita, tinanong niya ako kung saan ko gustong pumunta—baka raw may paborito akong lugar.
Sinabi ko na sa may sunset.

Because for me, the sunset is what I’ve always wanted to look at.
And it’s like I don’t have cancer when I look at that sunset.

“Ija, sure ka? Hindi ka na magpapasama sa’kin?” pag-aalala ni Tita.

“Opo, Tita. Sure na sure po. Babalik din ako, Tita,” sabi ko habang nakangiti at niyayakap siya.

“Ija, I’m worried talaga—pero masaya ako kasi unti-unti ka nang bumabangon,” nakangiting sabi ni Tita habang inaayos ang buhok ko.
“Sige, basta bumalik ka agad ha.”

“Kayo po yung rason kung bakit nagkaroon ako ng pag-asa ulit, Tita… so salamat po,” sabi ko sa kanya habang nakangiti.

“Oh siya, sige na. Pumunta ka na. Umuwi agad,” sambit ni Tita.

Nagmadali akong umalis ng bahay.

 

Nang makarating na ako sa place kung saan nakakakita ako ng sunset lagi—tanaw rin kasi ’yon mula sa kwarto kung saan ako nakakulong dati noong hindi pa ako okay—
akmang lalapit na sana ako, nang bigla akong may nabangga.

Hindi ko maipagkaila, pero aaminin ko… pogi.
Pero ano ba naman ’yon—lampa!

“Aray ko naman! Mag-ingat ka naman!” pagmamaldita ko sa kanya.

“Huwow, Miss… parehas yata tayong nagkabanggaan. Mas masakit nga katawan ko, eh,” sagot niya.

“Pilosopo. So annoying,” sabay irap ko sa kanya.

“Pilosopo daw?” sagot n’ya habang sinasabayan ng nakakainis na ngiti.

“Panget mo ngumiti, tse,” sagot ko.

“Hala, siya nga pala… saan ka ba kasi pupunta?” maayos niyang tanong.

“Dun sa may sunset,” mabilis kong sagot.

“Ano ba ’yan, Miss. Kakakilala lang natin tapos sinusundan mo na agad ako?” asar niya.

“Ang kapal ng muk—”
Hindi ko naituloy dahil bigla niyang nilagay ang daliri niya sa bibig ko at sinabing:

“Shh. Miss, shut up,” nakangiti niyang pang-aasar.

“Makauwi na nga… nakakabadtrip,” naiinis kong sabi habang tatalikod.

“Okay, bye Miss Sungit! See you around,” sabay ngiti at tawa n’ya.

 

Sobrang nakakairita yung araw na ’yon, pero hindi ko rin mapigilang hindi ngumiti.
Hindi ko na kinwento kay Tita noon kasi kapag sinabi ko pa, paniguradong hindi na niya ako papayagan.
Alam ko kung gaano siya ka-strikto para sa ikabubuti ko.

Weird, pero hindi siya mawala sa utak ko.
Para bang… gusto ko siyang makita ulit.

Maya-maya, tinawag ako ni Tita.

“Nak, kakain na! Baba na diyan!” malakas na boses ni Tita mula sa baba.

“Opo, Tita! Eto na po!” sagot ko nang malakas.

Habang kumakain ako, hindi ko mapigilang ngumiti kahit nakayuko ako.
Alam kong tinitingnan ako ni Tita.

“Ehem,” pagpapansin ni Tita.
Bigla akong napatingin sa kanya habang pinipigil ang ngiti.

“Kamusta naman lakad mo kanina, nak?” tanong niya.

“Okay naman po, Tita. Masaya,” nakangiti kong sagot.

“Mmmm, mukhang masaya nga. Kita sa mukha mo—nagb-blush ka eh,” natatawang sabi ni Tita.

“Ano? Ako? Nagb-blush? Hindi ah…” depensa ko sa sarili ko.
Sabay tanong ko, “Tita, pwede po ba ako pumunta doon ulit bukas?”

“Go ahead, anak. Gawin mo gusto mo, basta wag ka lang masyadong magpakapagod. Bawal ’yon sa’yo,” sagot ni Tita.

“Opo, Tita,” mabilis kong tugon.
“Btw… tapos na po ako kumain,” dagdag ko.

“Mmm, sige. ’Yung gamot mo—uminom ka,” sabi ni Tita sabay ngiti.

“Opo, Tita,” sagot ko.

 

Kinabukasan, nagpaalam ako kay Tita na pupunta ako mamayang hapon sa pinupuntahan ko.

“Good morning po, Tita. Pupunta po ako mamayang hapon sa pinuntahan ko nung nakaraan,” sabi ko habang kumukuha ng pagkain sa kusina.

“Oh, ija, good morning. Bakit hapon pa? Edi magagabihan ka,” sagot niya habang nagkakape.

“Tita, kaya nga po sunset eh. May sunset po ba sa umaga? Meron naman, pero sunrise tawag dun,” pabiro kong sabi.

“Loko ka talagang bata ka, manang-mana ka talaga sa tatay mo,” natatawang sabi niya.

“Tatay ko po ’yun, Tita eh,” sagot ko, sabay tanong, “Pero pwede po ba ulit, Tita?”

“Sige lang, nak. Pero gaya ng sabi ko sa’yo kanina, wag kang masyadong magpakapagod,” sagot niya.

 

Nang hapon na ’yon, napunta na naman ako sa lugar na gusto kong puntahan—kung saan ko nakita yung lalaking nakabanggaan ko.
Pero bakit ko siya hinahanap?
Bakit gusto ko siyang makita?

Pagkarating ko sa lugar na hindi ko natuloy na puntahan dahil sa taong yon, umupo ako sa may gilid ng puno habang tinitingnan ang sunset.
Parang wala akong sakit.

Maya-maya pa, may narinig akong tumatawa mula sa baba.
Medyo burol din kasi yung lugar na ’yon bago ka makarating sa taas para matanaw mo yung sobrang gandang sunset.

At noong tumingin ako…
halata mong papunta din siya kung nasaan ako.

Pero naisip ko na i-dedma na lang.
Pumikit na lang ako—nung biglang…

“Aha! Andito ka pala ha,” biglang bulong niya sa tenga ko.

Napamulat ako ng mata at napalingon sa kanya.
Nagkiskisan pa yung mga ilong namin sa sobrang lapit.
Sinuntok ko siya at tinulak sa gulat, at hindi ako makahinga sa kaba.
Agad kong kinuha yung salbutamol sa bag ko.

“Aray ko! Ang sakit!” hawak-hawak niya ang ilong niya habang hinahabol ko ang hininga ko.

Nakonsensya ako agad sa ginawa ko.
Hindi nagtagal, tinulungan ko rin siya at nag-alala.

“Shit—sorry! Teka, huy, anong gagawin ko?” natataranta kong sabi.
“Halika dito sa may puno, sumandal ka muna,” aya ko sa kanya.

Sumunod naman siya, pero hawak pa rin niya ang ilong niya.

Mga dalawang minuto bago kumalma yung sakit ng ilong niya—na gawa ng kamay ko, na agad ko ring pinagsisihan.

“Uh… okay ka na ba?” tanong ko.

“Oo, medyo okay na… pero masakit pa rin,” nakangiti niyang sagot habang nanghihina ang mga mata niya.

“Mmmm… sorry,” hingi ko ng tawad.

“Ayos, ayos,” sabi niya sabay thumbs up.

“E ikaw kasi, nagugulat ka!” pasisi kong sagot.

“Hindi ko naman akalaing grabe ka magulat… nananapak ka pala,” natatawa niyang sabi.

Napatawa na rin ako, kasi alam kong parehas lang kaming nagulat at hindi ginusto ang nangyari.

Sabay tanong ko, “Anong pangalan mo?” at inabot ko kamay ko.
“Hi, I’m Andrea Corazon Grazon.”

Tiningnan niya ang kamay ko at hinawakan pabalik.
“I’m Allyson Dee Alvarez.”

 

Wag mo akong nginingitian d’yan, Corazon. Masakit pa rin ilong ko,” sabi niya sakin.

“Putek na pangalan yan, Corazon. Parang nang-iinis lang eh,” sagot ko.

“HAHAHAHAHA,” tawa niya nang malakas.

“Tawa ka nang tawa d’yan, gusto mo yata ng part 2 eh?” taas-kilay kong sabi habang inaabot ang kamay ko na parang nanghahamon.

“Eto, di ka mabiro eh,” natatawa niyang sagot.

“So, tell me about yourself, Mr. Allyson,” tanong ko.

“Grabe naman ‘yang Allyson na tawag mo sakin. Pwede namang Ally na lang,” sagot niya, sabay ngiti. “Wala ka namang dapat malaman sakin,” sabay tingala niya at tumingin sakin. “Magulo buhay ko, Drea. Sobrang gulo.”

Hindi ko ma-deny sa mga mata niya — hindi siya nagbibiro. Makikita mo ang taong hirap na hirap kahit hindi pa nila sinasabi, lalo na kapag tumingin ka sa mata nila. Para bang mas mabigat pa ang pasan niya kesa sakin, na tatlong taon nang diagnosed sa HCM.

Tinry ko talagang malaman ang pinagdadaanan ni Ally.

“May sakit ako,” sabi niya, na ikinagulat ko.

“Sakit? Anong sakit?” Umusog ako para mas makita siya.

“I have cancer,” sagot niya habang nakatingin diretso sakin.

Napabuntong-hininga ako. “C-cancer? Anong cancer?”

“Lung cancer. Nalaman kong may cancer ako when I was 15.”

“Ang aga naman…” mahina kong sabi.

“Nakuha ko ’to sa nanay ko. I mean… namana ko,” sabi niya.

Napatigil akong tumingin kay Ally habang nakasandal ako sa puno. Huminga ako nang malalim at tumingin sa sunset. Napatingin din siya sa sunset, sabay sabing:

“Do you know that when I look at this sunset, I remember my mom? Lagi niya kasi akong dinadala dito noon, nung buhay pa siya. Kapag nakatingin ako d’yan, parang kasama ko na rin siya. Siya yung naging kakampi ko nung nalaman kong may lung cancer ako. Sabi niya sakin, ‘Nak, lumaban ka ha.’ Pero siya yung hindi lumaban.”

Napatingin ako sa kanya. Kita ko kung paano nanlumo yung mata niya habang sinusubukan pa rin niyang ngumiti.

“Kasi parehas lang naman kaming may sakit ni mama,” sabi niya. “Sinabi niyang lumaban ako… pero siya yung hindi lumaban.”

Nakatingin lang ako sa kanya, sabay tanong,
“Nasan yung papa mo? Bakit hindi niya alam na may cancer ka?”

“10 years old palang ako nung iniwan niya kami ni Mama,” sagot niya.

“Panong iniwan?” tanong ko sa kanya.
“Namatay?…” pasunod kong tanong.

“Hindi. Sumama siya sa ibang babae nung nalaman niyang may sakit si Mama,” sagot niya sakin.
Sabay kwento niya, “Sinubukan kong magtanong kay Mama noon kung nasan na si Papa, pero ang sagot niya lang, ‘Wag mo nang hanapin yung gago na ’yon.’”

Sagot ko noon kay Mama, “Ma, kung gago yung tatay ko, edi gago siya… pero tatay ko pa rin naman siya. Kahit sinong tatay siguro, kapag nalaman na may sakit yung anak niya, hindi na siya magiging gago—kahit man lang para sa anak niya.”
Umiiyak niyang kwento sakin.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinamayan.
At sa unang pagkakataon, niyakap ko siya.
“Salamat, Drea… salamat,” sabi niya habang hinahaplos ang likod ko at umiiyak.

Sa sobrang pagku-kwentuhan namin, hindi namin namalayan na pagabi na pala.

“Pagabi na pala…” sabi ko sa kanya, sabay tanong,
“Magbabalik ka pa ba dito?”

“Oo. Lagi naman akong nandito,” nakangiti niyang sagot habang pinupunasan ang luha niya.

“Ahh sige… babalik din ako bukas ng hapon dito,” sabi ko sabay ngiti.

“Sige. Basta bukas, ikaw naman magkwento ha,” sagot niya habang nakangiti nang matamis.

“Sige, malakas ka sakin eh. HAHAHA,” sagot ko.

 

Pagkadating ko sa bahay, hindi ko namalayan na nakaabang na pala si Tita sa may lamesa sa kusina. Magkatabi kasi yung kusina at sala papunta sa kwarto ko.

“Ginabi ka ata ng uwi ah,” sita ni Tita.

“Hindi naman po, Tita. Medyo lang po,” sagot ko.

“Ayoko nang maulit ’to, Drea ha,” sabi ni Tita.

“Sorry po, Tita. Ngayon lang naman eh,” sagot ko nang kalmado.

“Kahit pa. Kung makasasama sa sakit mo, wag mo nang ulitin,” sabi niya habang nakatingin sakin. “Magpahinga ka na dun.”

“Opo, Tita… sorry po ulit.”

 

Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Kailangan kong bumawi kay Tita dahil naging pasaway ako kagabi. Nagluto ako ng breakfast naming dalawa kahit hindi ko naman gawain ’yon dahil bawal rin akong mapagod. Ginawa ko lang yung kaya ko, para makabawi sa kanya.
Pumunta ako sa kwarto ni Tita—alam kong gising na siya, nagtatampo lang dahil sa pag-uwi ko nang late.

Tok tok tok.

“Tita?” pakipot kong tawag habang lumalapit ako, nakangiti.

“Ano ’yon?” sagot ni Tita habang sinusuot niya ang eyeglass niya.

Lumapit ako, tumabi sa kanya sa kama, at dahan-dahang humiga sa braso niya. Hindi na ako nahiya, kasi simula noong namatay si Mama, siya na yung tumayong nanay ko. Ni-yakap ko siya at mahina kong sinabi, “Sorry po, Tita… bati na po tayo, please?”

Sumagot si Tita, “Hindi naman ako galit o nagtatampo, nak. Kahapon ka lang kasing nalate umuwi. Siyempre nag-alala ako sayo.”

“Alam ko, Tita… sorry po.”

“Okay lang, anak. Alam mo namang papayagan kita lagi. Wag mo lang akong susuwayin, diba?” malambing niyang sagot.

“So… pwede po ba akong pumunta ulit doon, Tita?” tanong ko habang nakahiga pa rin sa balikat niya.

“Oo naman. Alam mo namang hindi ka matitiis ni Tita,” sagot niya.

“Ayiee, thank you Tita!” sabay halik ko sa pisngi niya. “Halika na, Tita. May breakfast akong niluto!”

“Nagluto ka? Diba bawal ka mapagod?” pag-aalala ni Tita.

“Hindi naman po ako napagod, Tita.”

“Jusme kang bata ka… oh siya, tara na,” sagot niya.


Hapon

Nung hapon ding iyon, pumunta ako sa lugar kung saan ko unang nakita at nakilala si Allyson. Habang paakyat ako sa medyo burol na bahagi, kasabay ng paglapit ko ay ang pagkirot ng dibdib ko. Pero sa kabutihang palad, nakarating pa rin ako.
Nakita ko si Allyson—mas nauna pa siyang dumating.

“Uy, buti dumating ka,” sabi ni Ally.

“Uy, hello. Bumalik ka nga talaga,” sagot ko, nakangiti.

“Oo siyempre. Papalampasin ko ba yung kwento mo?” biro niya. “Halika, upo ka dito. Nagdala ako ng blanket para mas ma-feel mong manood ng sunset.”

Umupo ako, at sabi niya, “So ano na? Magkwento ka na. Excited na ’ko eh. Tell me about yourself too, Ms. Drea.”

“Uhh—” pabitin kong sagot.

“Anooo, madaya ka, pabitin!” nakangiti niyang biro.

“My life is the worst life,” sagot ko. “Yun yung tingin ko… kasi my parents are both dead, at hindi ko alam kung may patutunguhan pa yung buhay ko since…”
Hindi ko natuloy. Napatingin siya sakin.

“Since…?” tanong ni Ally.

“I have cancer, Ally. HCM—hypertrophic cardiomyopathy,” sabi ko habang pilit na nakangiti.

“Aww… anong sakit yun?” tanong niya.

“Sakit sa puso… tulad mo. Namana ko rin yung sakit ko kay Papa, at ’yun yung kinamatay niya. Tapos si Mama naman, dahil sa pag-aalaga sakin. Twenty pa lang ako nun nang namatay siya—hypertension. Ngayon si Tita naman, kapatid ni Papa, ang nag-aalaga sakin.”

Walang nasabi si Ally pagkatapos nun. Nakatingin lang siya sakin.

“Tamo, nagpapakwento ka tapos mauubusan ka ng sasabihin,” biro ko.

Hinawakan niya ako, hinila papalapit, at niyakap ako. Wala akong nagawa—alam kong dinadamayan niya lang ako. Ilang saglit pa, kumalas siya at nagtanong:

“Ano yung mga gusto mo sanang gawin in the future, kung sakaling wala kang sakit?”

Ngumiti ako nang malungkot.
“Gusto ko bumuo ng sarili kong pamilya. But the doctor told me that I couldn't live a normal life kasi hypertrophic cardiomyopathy is not a joke. Yung sakit na ’to ang humadlang sa pinaka-hinahangad kong pangarap—yung malibot ko yung mundo, yung magkaroon ako ng sariling pamilya since mag-isa na lang ako. Pero… eto yung plano ng Diyos sakin.”

“Meron bang paraan para maging normal ang buhay mo?” tanong ulit ni Ally.

“The only thing that can make my life normal is kung may magdo-donate ng puso para mabuhay ako,” sagot ko.
“At sino ba namang taong magdo-donate at isasakripisyo yung buhay niya para sa iba, diba? Kaya malabo. Tsaka sa tatlong taon kong lumalaban… tinanggap ko na.”

 

“Ako,” sagot ni Allyson.

“Huh?”

“Ako magdodonate,” mabilis niyang sabi.

“Baliw ka ba? May sakit ka nga, may cancer ka nga rin,” natatawa kong sagot habang nakataas ang kilay ko.

“Drea, may lung cancer ako pero wala akong sakit sa puso,” sabi niya, tapos ngumiti at tumingin sa sunset.

Napatigil ako sa pagtawa.

“Oh, bakit ka tumigil?” tanong niya.

“Tigilan mo ko sa mga ganyan, Ally,” sagot ko habang bumibilis ang tibok ng puso ko. “Pinapasikip mo naman dibdib ko.”

“Hoy, joke lang. Wag ka mag-alala,” sabi niya. “Tsaka madami pa akong pangarap kahit may cancer ako. Gusto ko rin magkapamilya. Lumaban ka lang, Drea. Para sa tita mo.”

Nakampante ako sa sinabi niya.

“Hoy, Drea?” bigla niyang tanong. “Okay ka lang?”

“Hindi ako makahinga…” sagot ko.

“Hoy! Drea!” taranta siya, pinagpapawisan pa.

“Gotcha! HAHAHAHA!” tawa ko.

“Pambihira ka talaga… wag kang ganun,” iritado pero halatang nag-aalala siyang sagot.

“Ayan, alam mo na pakiramdam pag binibiro,” sabi ko. “HAHAHA.”

“Sige na, baka gabihin ka na naman. Baka pagalitan ka ni tita.”

“Okay lang ako. Uuwi na ko.”

“Hahatid na kita,” sabi niya.

“Bahala ka.”

 

Pagdating namin sa bahay, paalis na sana si Ally nang makita siya ni tita sa may pinto.

“Oh, may bisita ka pala. Bakit di mo pinapasok?” tanong ni tita.

“Ah, hindi po. Hinatid lang po ako. Kasabay ko pong tumingin ng sunset dun sa lugar na pinupuntahan ko lagi,” sagot ko.

“Hello po, tita. Nice to meet you,” bati ni Allyson. “Allyson Dee Alvarez po pala. Kaibigan ko po si Drea… ngayon lang po kami naging magkibigan.”

“Taga saan ka, iho?” tanong ni tita.

“Agwat lang po natin ang purok. Nagulat nga po ako na dito pala nakatira si Drea,” sagot niya, medyo madaldal.

 

“Pwede ko bang makuha yung contact number niyo, tita?” tanong ni Ally.

“Ay teka, bakit?” singit ko agad. “Hoy Allyson, hindi ko pinapaligawan sayo yung tita ko ha.”

Si tita naman, nakatakip ang bibig at halatang natatawa habang nagtatalo kami ni Ally.

“Amin na, a-anuhin mo ba?” tanong ni tita.

“Yown,” sagot ni Ally. “Since wala po kayong kasama at mag-isa lang naman po ako, tawagan niyo lang po ako kapag may emergency. Dito lang naman po ako sa malapit.”

“Ay ayos naman pala ang intensyon nitong si— sino ka nga ulit?” tanong ni tita.

“Allyson po.”

“Oh, ayun, Allyson. Salamat ha, at hinatid mo tong si Drea,” pasasalamat ni tita.

“Ay wala po yun, tita. Tsaka babae po kasi, baka mapano pa. Concern lang,” sabi ni Ally, saka tumingin sa akin. “Aalis na po ako, tita.”

“’Di ka na magmemeryenda, iho?” alok ni tita.

“Hindi na po, tita. Salamat na lang po.”

“Ay siya, sige. Mag-iingat ka ha,” sagot ni tita sa kanya.

 

Sa isang malalim na gabi, isang pangyayari ang hindi ko inaasahang mangyari. My HCM disease has flared up while I’m chasing my breath, at nakayuko ako at akmang lalakad na sana papunta kay Tita para humingi ng tulong. I heard a familiar voice—two familiar voices—and they’re calling me anak. Tumingin ako kung saan ko narinig ang mga boses na ’yon, and I saw them.
Si Mama at Papa.

At that time, I was thinking, “Lord, eto na ba ’yon?” and I cried when my mom and dad held out their hands to me at sabay sabing, “Anak, tara na… kung pagod ka na.”
Sobrang namimiss ko na sila Mama at Papa. Sa pag-iyak kong ’yon ay lalo pang sumikip ang dibdib ko. I said to myself, “Lord, handa na ’ko. Andito na yung mga magulang ko… yung mga taong importante sa’kin. Dibale nang hindi ko matupad yung mga pangarap ko, pero pagod na rin po ako.”

When I was about to hold Mom and Dad’s hands… the door suddenly opened loudly.
Nakita ko si Tita—umiiyak at humihingi ng tulong.
Habang nakikita ko pa rin si Mama at Papa sa gilid ni Tita, niyakap niya ako habang umiiyak at dali-daling tinawagan si Allyson.

“Anak, tulungan mo kami! Si Drea, inaatake na naman ng sakit niya!”

And that’s when I completely lost consciousness.

 

Tita’s POV

“Anak… si Drea…” humahagulgol ang iyak ko.
Maya-maya pa dumating ang doctor ni Drea.

“Doc… kamusta po si Drea?” tanong ni Allyson.

“I’ll be honest with you, Ma’am and Sir, pero Drea’s condition is not good. Naapektuhan ang utak niya, o mas tinatawag nating cardiac arrest, dahil sa nangyari,” sagot ng doctor sa amin.

“Ano pong mangyayari pag hindi siya nagising?” tanong ko.

“Actually, comatose na siya, and she can only live if she wakes up—na hindi lalagpas sa isang buwan. And the only thing to save her is kung may magdo-donate ng puso para sa kanya. You need to find a donor to save her,” diretsong sabi ng doctor.

“Ako, doc,” sagot ni Allyson habang nakayuko at tinitingnan ang doctor.

“Are you sure? Pwede kang mamatay sa gagawin mo,” sabi ng doctor.

“Magiging donor ako ni Drea, doc. Ang dami niyang pangarap.”

Tumingin ako kay Allyson at niyakap ko siya.
“Salamat, anak…” tugon ko.

“May cancer ako, Tita. I’ve been fighting lung cancer for seven years now, and that’s enough para ipakita kong naging maganda ang laban ko kahit ganito kahirap yung sakit ko. Pagod na ’ko, Tita… pero may mga pangarap si Drea, at gusto kong matupad niya ’yon. My only dream, Tita, is yung makapiling ko ulit yung Mama ko.”

Humarap siya sa doctor ni Drea at tinanong,
“Pwede ba akong maging donor ni Drea, doc?”

Hindi nakaimik ang doctor.
Kaya nagsalita ulit si Allyson,

“Doc, may lung cancer lang ako, pero wala akong sakit sa puso. Gawin niyo na yung operation ngayon, doc. Gawin niyo lahat… iligtas niyo lang si Drea.

 

“Okay, decision mo yan. Kailan mo gustong gawin yung operasyon?” tanong ng doctor kay Allyson.

"Ngayon na doc, ngayon na. Ngayon niyo na gawin kung sobrang kailangan ni Drea," mabilis na sagot ni Allyson na parang anumang segundo ay mawawala na yung lakas niya pero pinipilit pa rin.

“Sign this paper na pumapayag kang maging donor ni Drea.”

Walang pag-aalinlangan, agad niyang pinermahan yung papel. Wala siyang tinanong, wala siyang inurungan. Pagkatapos nun, pumunta siya sa nurse station at humingi ng isang papel at ballpen.

“Teka lang doc, babalikan ko kayo,” sabi niya bago bigla na lang tumakbo palabas.

Pumunta siya sa prayer room. Limang minuto lang pero parang ang tagal niyang nawala. Nang bumalik siya, diretso siya sa ICU kung nasaan si Drea.

“Tita… kapag nagising si Drea, pakibigay naman po sa kanya ito,” sabi ni Allyson habang hawak yung papel na parang takot na takot siyang mabitawan yun.

Tumango ako habang umiiyak, at, kahit halos wala nang lakas, ramdam ko yung bigat ng sitwasyon. Nginitian ako ni Allyson pero pilit—kita sa mata niya yung luha na halos pumulandit.

Sa huling pagkakataon, niyakap ko si Allyson. Mahigpit. Yung parang wala nang bukas.

"Doc, tara na. Gawin niyo na," sabi ni Allyson, boses niyang nanginginig pero pilit niyang tinatapang.

Bago siya tuluyang sunduin ng mga nurse, tumingin siya kay Drea sa salamin ng ICU. Yong tingin na puno ng sakit, takot, at pagmamahal. Mahirap panoorin dahil yun na yung huling pagkakataong mapagmamasdan niya ako ng buo.

Maya-maya, inilabas na nila si Drea kasama si Allyson papunta sa operating room. Tahimik lang akong nakatingin habang unti-unting nagsasara yung pintuan, parang sinasara rin yung mundong may mabubuhay at may mag sasakripisyo ng buhay.

1 month after

Nagising ako sa isang maliwanag na ilaw. Ang unang pumasok sa isip ko: “Lord… buhay ba ako?”
Nilinga ko yung paligid. Andaming balloons, mga get-well cards, at mga pictures ko na nakadikit sa pader ng ospital. May malaking sulat na “Wake up na Drea, we miss you.”

Nakakita ako ng isang tao sa gilid—si tita, nakatulog sa upuan, suot pa rin yung ICU gown. Nandoon din yung mga kapatid ni mama, lahat pagod pero nakaabang.

Pinilit kong igalaw yung kamay ko at hinawakan ko yung buhok ni tita. Nagulat siya, napabangon, at bigla siyang umiyak.

“Anak… gising ka na…” halos maputol yung boses niya habang tumutulo yung luha.

“Opo, tita… thank you po…” sagot ko habang nanginginig yung boses ko sa iyak.

“I love you anak… ang tapang-tapang mo,” sabi niya, umiiyak pero nakangiti.

Isa-isa nang nagising yung mga relatives ni mama, at parang sabay-sabay kaming umiyak sa tuwa. Ang tagal kong hinintay ‘tong moment na ‘to—yung makita ko ulit sila, maramdaman kong buhay pa ako.

“Ally… Ally, andito na ko…” tawag ko nang mahina. “Tita, tawagan mo si Allyson…” sunod kong sabi.

Mas lalo pang umiyak si tita. Kinuha niya yung isang envelope mula sa ilalim ng kama ko.

“Anak… may pinapabigay si Allyson na sulat,” sabi niya. Nakasulat sa harap: “You’re a good fighter, Drea :) – Allyson.”

Bubuksan ko na sana yung letter nang biglang pumasok si doc.

“Wait, bago mo buksan yan… may pinabibigay din siyang gamit para sa’yo,” sabi niya, sabay abot ng isang maliit na kahon na may pangalan ko.

Napatitig ako sa kanila. “Ano bang nangyayari?” tanong ko, kinakabahan, parang may hindi tama.

Tumingin si tita sa’kin. Yung tingin na nagmamakaawang intindihin ko.
Yung tingin na parang sinasabi niya sa’kin na… buksan ko yung sulat ni Allyson.

 

Allyson’s Last letter

Kung nababasa mo man ’to… sana lumaban ka, Drea.
Sana pinili mo pa ring manatili kahit ang hirap-hirap na.

Kapag dumating na yung araw na oras mo na rin…
hihintayin kita sa puno na lagi nating tinatambayan para manood ng sunset.
Doon mo ’ko hanapin.
Doon kita unang nakita, at doon kita hihintayin.

At habang hindi pa ’yon dumarating…
tuwing titingin ka sa sunset, tumingin ka nang mabuti.
Kahit imposible nang maramdaman mo pa ’ko,
andoon lang ako, sa bawat kulay, sa bawat liwanag,
sa bawat paglubog na wala na yung kamay ko sa kamay mo.

Sana dala-dala mo rin yung blanket na iniwan ko para sa’yo.
Yakapin mo ’yon kapag nilalamig ka.
Yakapin mo kapag pakiramdam mo mag-isa ka.
Yakapin mo kapag wala kang masabihan.
Para kahit hindi mo ’ko makita, maramdaman mong hindi ka iniwan ng mundo.

Kahit maikli lang yung panahon ng pagkakakilala natin,
naramdaman ko yung kabutihan mo
yung klase ng kabutihang bihira,
yung klase na hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makita.

At kahit maikli lang ang oras ko,
sapat na para piliin kong ibigay sa’yo ang huling meron ako.

Ang unang tibok ng bagong puso mo…
iyon ang huling hinga ko.

 

At that moment, gumuho ang mundo ko. Ang puso na dahilan kung bakit ako humihinga ngayon… ay puso pala ni Allyson. Ibinigay sakin ni doc yung blanket na sinabi ni Allyson, at niyakap ko ito ng mahigpit.

Nang makarecover ako, dinala kami ni tita sa Manila at doon na kami tumira kasama ng side ni mama, kasi taga-city silang lahat.

A year ago

“Hi Allyson, how are you there? Sorry ha, ngayon ko lang nakadalaw,” sabi ko habang nagbigay ng bulaklak.
“Salamat sa buhay na binigay mo sakin… it’s been… what?” habang kinakausap ko yung puntod ni Allyson, nang biglang…

“Mommy!” sigaw ng maliit na paslit.
“Hi hon,” bati ng asawa ko sabay halik.
“Mommy, who are you visiting here?” tanong ng anak ko; limang taong gulang pa lang siya.

Ngumiti ako sa anak ko at tumingin sa asawa ko, sabay tingin sa puntod ni Allyson. “Let’s just say that he’s the reason why you’re here today, anak,” sabi ko at ngumiti.
“Mommy, we have the same name! I’m Allyson too,” sabi ng anak ko.
“Yes, anak,” sagot ko.

“Hon, yung ibang anak natin, nasaan?” tanong ko sa asawa ko.
“Nasa kotse, hon. Don’t worry,” sagot niya.

“Anak, let’s go na? Saglit lang si Mommy dito,”alok ng asawa ko  sa anak  ko habang nakabalot sakanya ang blanket na ibinigay saakin dati ni allyson na gustong gustong kumot ng anak ko
“Okay, Daddy! Eat Jollibee po later, Mommy,” lambing ng anak ko sabay halik sa pisngi at sabay alis kasama ng asawa ko.

“Thank you for everything, Allyson,” sabi ko sabay alis.

Matapos ang mga nangyari, natutunan kong hindi nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano katagal kayo nagkasama. Kahit maikling panahon lang ang binigay sa inyo ng Diyos, sulitin niyo pa rin. Kasi iba kapag napagod at nangako ang tao, ganun rin sa tadhana. Na kahit ano pang tagal at kadami ng pangakong binitawan niyo, kung hindi yun ang plano ng Diyos, wala tayong magagawa.

Kay Allyson ko natutunan na kung para sa pag-ibig, susugal ka talaga. At dahil sa sakripisyong iyon, nagkaroon ako ng masayang pamilya. 10 taon pagkatapos ng sakripisyo ni Allyson, nabiyayaan ako ng tatlong anak: si Deelyan, ang panganay kong lalaki; si Alvery, ang pangalawang anak kong babae; at ang bunso naming si Allyson.

 

“Ever has it been that love knows not its own depth until the hour of separation.” – Kahlil Gibran

 

“True love is measured not by the years we have, but by the sacrifices we are willing to make.” –                 AUTHOR JLAZY (J.I.)

 

The End.

 

Comments